Stanley Chi

Lahat tayo Mukhang Pera!

Totoo ang nakalagay sa title, lahat ng tao sa mundo ay mukhang pera. Pa-iba-iba nga lang tayo ng style, but the bottomline is we need money. Kung pwede lang nga eh, now na! 

Lahat tayo Mukhang Pera!

Kalokohan yung sinasabi ng ibang tao na hindi importante ang pera sa kanila, syempre sinasabi niya lang yun para hindi sila magmukhang pera. Saan sila kukuha ng pambayad sa Meralco, Pldt, Globe, Smart, cable, tubig at pagkain?

Pero bakit nga ba tayo nangangailangan ng pera?

Maliban sa mga nasabi ko kanina, syempre for survival. Paano na kung nagkasakit ka? Saan ka titira kung wala kang sariling bahay? Paano ka mag-iinternet? Paano ka gigimik at kung anu-ano pa? Iba-iba nga lang tayo ng paraan kung paano kitain yung perang kailangan natin, iba-iba rin tayo ng ugali kung paano natin madidiskartehan ang pagkuha ng mga opportunidad para dito. Trabaho man yan, negosyo, raket, sideline o panggagancho.

Hindi tayo pwedeng makitira sa ating mga magulang, kamag-anak at kaibigan ng libre. Lahat ng bagay ay may kapalit kaya kailangan natin magbanat ng buto.

Pero paano mo nga ba malalaman kung mukhang pera ang isang tao?

  1. Kapag never siyang nanlibre at palagi siyang nagpapalibre. Kapag nagkikita kayo, ikaw palagi ang taya. Huwag ka maniwala na wala siyang pera, ayaw niya lang talagang gumastos dahil nakadikit ang pera niya sa wallet. Lumang style na rin nila yung nagpaparinig o nagpapa-awa effect na wala silang pera.
  2. Palagi siyang nangungutang at hindi nagbabayad.  Mahirap ka man o hindi, kung may utang ka… Bayaran mo. Hindi yung kapag siningil ka, ikaw pa yung galit!
  3. Hindi siya gumagastos para sa ibang tao.  Masyado niyang mahal ang kanyang sarili lalo na ang kanyang pera para gastusan ang kaibigan, kapatid, kamag-anak o magulang niya.
  4. Kung alam niyang mayaman ka, didikit siya sayo at kakaibiganin ka niya ng todo-todo. Social climber na matapobre ang mga mukhang pera, kung alam niyang may mapapala siya sayo magiging best friend mo siya.
  5. Pag dating sa pera, malabo siyang kausap.  Ito ang classic example na nagbabago ang ugali ng isang tao pag dating sa pera. Magugulat ka na lang, pero ang mga taong hindi mo inaakalang mukhang pera sila pa yung ganun.

Ito ay ilan lamang sa mga napansin ko at sana ay gamitin niyo na ring gabay para sa inyong araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala, ka-opisina, kamag-anak, kaklase o crush.

Hindi masama ang kumita ng maraming pera at yumaman, pero kung mukha kang pera huwag ka namang obvious.

Paki like at share niyo na lang ito sa mga Facebook, Twitter o Instagram account niyo. Kung naka-tulong man ang blogpost ko na ito sa inyo, ilibre niyo naman ako kapag nagkita tayo. Paki basa rin ang column ko sa fhm.com.ph na pinamagatang One Night Stan.

Share this and your friends will think you're awesome!

1 comments :

Anonymous said...

lahat cnabi mo tutuo. ako nga madalas lukohin dahil sa pera. nakakarma naman cla.

Post a Comment

Have anything to share? Do it here!