Stanley Chi

User-Friendly o Friendly User

May kasabihan na, “If you don’t have enemies, you don’t have friends” – yan ay isang malaking katotohanan. Marami sa atin ang maraming kaibigan, pero sa totoo lang hindi natin alam kung ano talaga ang pakay nila sa atin. 

Benson Pode

Paano mo nga ba malalaman kung ginagamit ka lang ng isang tao?

Pero una sa lahat, eto ang mga dapat mong gawin para malaman mo kung sino ang mga malalapit sayo.

1. I-check mo ang cellphone mo, kung sino ang dalawang madalas mong ka-text.

2. I-check mo ang Facebook mo, kung sino ang dalawang madalas mag-comment sa mga pictures mo.

3. I-check mo ang Twitter mo, kung sino sa dalawang nagfa-follow sayo ang madalas mag-tweet sayo.

4. I-check mo ang Instagram mo, kung sino ang dalawang madalas mag-like ng pictures mo.

5. I-check mo ang YM mo, kung sino ang dalawang madalas makipag-chat sayo.

O ayan, may sampung friends kang pagpipilian. Ilista mo ang mga pangalan nila sa papel at tanungin mo ang sarili mo.

1. May kailangan ba siya sa akin? Kung meron, ano ito?

2. Ano ba ang mapapala niya kung close kami?

3. Nililigawan ba niya ako? Abangers ba siya?

4. May napapala ba ako sa taong ito?

5. Kung sakaling utangan ko siya, pauutangin ba niya ako o ia-unfriend niya ako sa Facebook?

Kung sa isip mo ay nakapasa siya sa mga tanong na ito, totoo nga siyang kaibigan. Pero kung hindi, sigurado akong ginagamit ka lang niya. Pero bakit nga ba may mga ganitong tao? Eto ang ilan lamang sa mga dahilan na naisip ko.

1. Cool ka. Bragging rights para sa isang tao ang masabi niya na close kayo at friend ka niya, puro siya kwento sa mga kakilala niya kung ano ang madalas niyong ginagawa. Iniisip niya na kung dumikit siya sa isang cool na tao, magiging cool na rin siya.

2. May kailangan siya sayo. Kung anak ka ng boss, obvious na nagpapalakas siya at gusto niyang mapromote. Ano nga ba ang mapapala niya kung dumikit siya sa isang taong hindi malakas sa itaas?

3. Mayaman ka kasi. Pustahan tayo, balang araw uutangan ka niya.

4. Type ka niya pero torpe siya. Kung alam mong maganda ka o pogi, huwag ka nang mag-deny, alam kong alam mo na pinagnanasahan ka niya kapag mag-isa lang siya sa banyo.

5. Napapakinabangan ka kasi. Pera pera lang yan, kung ikaw ang nabibigay ng kabuhayan sa mga tao siguradong maraming lalapit sayo.

Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit may mga nanggagamit sa isang tao. Mahirap maghanap ng totoong kaibigan, pero mas mahirap ang maghanap ng taong mauutangan. Tandaan niyo lang na kung walang magpapagamit, walang manggagamit. 

Paki share at like nalang ang post na ito sa Fb at Twitter. Sayang din naman kung mag-isa ka lang na natatawa habang binabasa mo ang sinulat ko, i-share mo naman para may pakinabang rin ako sayo.

Share this and your friends will think you're awesome!

1 comments :

earthlingorgeous@hotmail.com said...

ayos ha! naaliw ako ng hust hahaha :)

Post a Comment

Have anything to share? Do it here!