Stanley Chi

Salary blues!

0

Salary blues!

Maraming empleyado ang naiintriga kung bakit napaka-loyal ng ka-officemate nila sa mga boss nila, simple lang naman ang kasagutan dyan. Malaki ang sweldo nila, syota nila yung boss nila, o pinagnanasahan nila ang taong nagpapasweldo sa kanila para sa susunod isa na rin siya sa mga boss.

Naiinis ka ba kapag pa-banjing banjing lang ang ka-officemate mo, at ikaw lahat ang gumagawa ng trabaho?  Baka naman dapat pareho lang kayo ng workload, pero mas malaki ang sweldo niya sayo. Kaya naman lagi siyang may bagong gadget at nakiki-uso sa mga trends, at ikaw naman ay nagtya-tiyaga sa luma mong 3310 na analogue.

Eto ang top 10 ways para malaman mo kung malaki ang kinikita nila, o pareho kayong nauuto ng iba niyong officemates!

Paano mo malalaman kung magkano ang sweldo ng ka-officemate mo:

1. Kaibiganin mo yung accountant, hr, or boss niyo... Kapag nagkwentuhan kayo madudulas yun.

2. Tanungin mo yung officemate mo kapag close na kayo!

3. Sumabay ka sa kanya sa atm kapag magwiwithdraw na siya at sumilip ng palihim sa account balance niya!

4. Sumilip sa payslip niya kung may pagka-burara siya... Kailangan mabilis ang mga mata mo!

5. Tingnan mo kung ano ang mga gamit niya, kung mamahalin na branded... mag-compute ka ng: Sweldo mo + 5k = Sweldo niya!

6. Utangan mo siya ng 2k… mag-compute ka ng: Sweldo mo + 10k = Sweldo niya!

7. Makipag-kwentuhan ka sa kanya, sabihin mo na pina-pirate ka ng kabilang kumpanya at ino-offeran ka niya ng doble ng sweldo mo, kapag naka-smile siya at natuwa para sayo… Ibig sabihin triple ang laki ng sweldo niya sa sweldo mo!  Kapag natahimik siya at gusto ring mag-apply, malamang pareho kayo ng sinusweldo!

8. Magkunwaring hr ng kabilang kumpanya at hingan mo siya ng resume thru email, at tanungin ang sweldo nya.

9. Kaibiganin mo ang parents niya.  Siguradong ibubuking siya kapag close na kayo!

10. Kung kumpleto siya ng gadgets (Ipad, laptop, Blackberry, Iphone, etc.) ibig sabihin maliit ang sweldo niya sayo ng 3k at anak mayaman lang siya.  Kaya ka rin niyang swelduhan kaya dapat mabait ka sa kanya!

Bakit ka binasted?

0

Bakit ka binasted?

So binasted ka pala ng nililigawan mo, normal lang yan.  Nangyayari din yan sa mga ibang lalake na mas pangit sayo.  Pero alam mo ba ang mga dahilan kung bakit ka binasted?  Syempre hindi yan sasabihin sayo ng girl, dahil nakokonsensiya rin siya.  Ayaw rin niyang maghiganti ka sa kanya balang araw kapag pogi ka na at mayaman, at siya naman yung pumangit at tumaba!

Maraming dahilan kung bakit nambabasted ang mga babae, pero ito ang top ten na mga dahilan kung bakit ka binasted ng nililigawan mo!  Ready ka na?  Game!

1. Hindi ka niya type.  In short, pangit ka!

2. Mayaman siya, dukha ka!  Pwede ring sosyal siya, jologs ka o kaya langit siya at amoy lupa ka!

3. Hindi kayo compatible ng ugali.  Baka masyado kang mabait, ang gusto ng mga babae yung maginoo pero medyo bastos.

4. Naiinsecure siya kapag kasama ka niya.  Dahil mas pangit siya sayo, at ayaw niyang nasasapawan siya!

5. Mas babae ka pa kumilos kesa sa kanya.  Kulang nalang magladlad ka sister!

6. Mukha kang manyakis!  Panay kasi ang tingin mo sa mga friends niya, magpa-simple ka naman.

7. Ang type niya yung best friend mo!  Huwag ka kasing bumarkada sa mga mas pogi sayo.

8. Mas matanda ka sa kanya, ng di hamak!  Ang hinahanap niya boyfriend hindi tatay.

9. Ayaw sayo ng parents niya!  Naghahanap kasi sila ng mauutangan!

10. Babae rin ang trip niya!  Akala mo lang naka-boy cut siya, pero mas gusto niyang manood ng wrestling kesa sa Twilight!

Insecurity bites!

3

Insecurity bites!

People you know can be easily jealous, especially in the office or school where everyone is competing.  They say that competition brings out the best in everyone, but be careful of these top 10 signs of insecurity!  Kung may ka-officemate kayo o classmate na ganito, hindi mo siya kaibigan kaya kailangang mag-ingat.

1. Alam niya ang lahat ng ginagawa mo. Palaging kang chine-check sa FB, Twitter, etc. Pero hindi niya aaminin na alam niya ang lahat ng ginagawa mo, mahahalata mo lang dahil madudulas siya kapag nagkukwentuhan kayo.

2. Kapag may pumuri sayo sa isang usapan o kwentuhan, hindi niya papansinin. 

3. Halata sa mukha niya na naiinis siya kapag natutuwa sayo ang boss, teacher, or classmates mo.

4. Pabiro ka niyang aasarin, pero kadalasan sa mga pang-aasar niya may laman.

5. Pinu-puna niya ang lahat ng kapalpakan na nagawa mo.

6. Kung mas mataas ang grade mo sa kanya, halatang hindi niya matanggap.  Kung ka-officemate mo naman, kapag mas na-angatan mo siya hindi niya matanggap kasi feeling niya mas magaling siya sayo.

7. Sinisiraan ka kapag wala ka.  Malalaman mo kung sinisiraan ka ng isang tao dahil siguradong may magkukwento sayo ng sinabi niya, o siya mismo ang aamin sa ginawa niya pero gagawan niya ng dahilan o palusot kung bakit niya sinabi o ginawa yun.

8. Nakikipag-kumpitensiya siya sayo sa lahat ng bagay.  As in kung bago ang sapatos mo, bibili rin siya ng bagong sapatos!

9. Hindi ka niya ipagtatanggol kapag nagkagipitan na.  Ididiin ka pa niya!

10. Kapag may kapalpakan kang ginawa, pagtatawanan ka niya.  Pero kunwari kakampihan ka niya pag kayong dalawa nalang.

May gumawa na ba nito sayo sa school o sa office?  Kailangan na silang supladuhan habang maaga pa!

Busted o Basted?

0

Busted o Basted?

Maraming dahilan kung bakit nababasted ang isang lalake, marami ring style ang mga babae sa pagbasted ng isang lalake. 

The most common is:

Hindi na siya nagrereply sa text at hindi na rin sinasagot ang mga tawag mo sa cellphone. 

Kapag landline naman, lagi siyang wala o busy.  If you’re lucky at nakausap mo siya sa landline or cellphone, gagawa siya ng dahilan para matapos agad yung usapan niyo.

Guys isa lang ang ibig sabihin nito, tinataguan ka na ng girl!

Kapag tinaguan ka na ng babae, ibig sabihin nun:

1. Basted ka na!

2. Hindi niya masabi sayo ng harapan kasi baka umiyak ka sa harapan niya!

3. Kapag binasted ka niya ng harapan, alam niyang kukulitin mo pa rin siya!

4. Baka matawa siya kapag umiyak ka sa harapan niya!

5. Ayaw ka na niyang makita!

6. Hindi ka niya type, pero dahil ang bait mo sa kanya… Hindi niya masabi sayo ng harapan.

7. Nakukulitan na siya at stalker na ang tingin niya sayo!

8. Baka masigawan ka niya at masira ang image niya sayo!

9. Pinagtatawanan ka niya ng patago, dahil kahit anong iwas niya sayo habol ka pa rin ng habol sa kanya!

10. Wala siyang paki-alam kung ano ang mangyayari sayo kaya maghanap ka na ng iba!

Sana ay nakatulong ito sa inyo.  Tandaan huwag maging stalker, maraming chicks dyan!

Die Posers Die!

5

Copy+Paste

According to urbandictionary.com posers are one who pretends to be someone whose not.  In reality posers are a dime a dozen, and here are some of the characteristics of a Pinoy poser:

1. Pa-English English kahit peke ang accent.

2. Branded ang lahat ng mga damit dahil mas maganda raw ang quality at designs.

3. Konti lang ang kinakain kapag may handaan, pero patay gutom kung kumain kapag mag-isa lang.

4. Puro conyo ang mga ka-barkada niya.

5. Hindi raw nanonood ng mga local TV programs, pero maraming alam sa local showbiz dahil chismoso siya sa totoong buhay.

6. Hindi kaagad nagrereply sa texts or sinasagot ang mga tawag ng mga kakilala niyang hindi sosyal, pero kung sosyal ang ng text or tumawag sinasagot niya kaagad.

7. Kunwari maraming alam sa pinag-uusapan niyong topic, para hindi siya magmumukhang tanga.  Know it all kumbaga.

8. Walang alam sa mga nangyayari sa paligid niya, pero sa totoo lang very aware siya.  Kungwari lang yung wala siyang paki-alam.

9. Pa-cool effect masyado, feeling pogi or feeling maganda pero sa totoo lang masyadong insecure.

10. Hindi raw marunong mag-commute, pero sa totoo lang sanay namang mag-jeep, lrt, mrt, bus, at taxi.

Marami pang characteristics of a poser, comment on this blog post so I can add it to the list.

Pa-English English ka pa, sipain kita diyan eh!

Suplado Announcement

0
IGMG

Suplado Tips book 2 is now available at all leading bookstores nationwide.

95 Pesos lang!

Man on the Street Interviews

0

morefun

I wanna share some of my favorite Tambytes segments last 2011.  These videos make man on the street interviews more fun in the Philippines.  Enjoy!

Kung magiging action star ka, ano ang screen name mo?

 

Magkano mo ibebenta ang utak mo?

 

Sinong artista ang gusto mong mag-pose sa kalendaryo?

Maging Suplado at Pogi sa Valentine’s

3

Maging Suplado at Pogi sa Valentine’s

Happy love month guys, here are some Suplado Tips for February 2012.

1. Kung may nagcocomment ng hindi maganda at bitter kapag nakaka-angat ka sa kanila... Smile ka lang at mas-galingan mo pa para lalo silang mapikon!

2. Kapag sinabing "may hitsura ka", ibig sabihin "pangit ka na pwedeng pag-tiyagaan"!

3. Umakting na walang pakialam kapag may kaguluhang nangyayari, para isipin ng tao na cool ka lang all the time!

4. Naka-Iphone ka nga, di mo naman alam gamitin!

5. Kung hindi ka naniniwala, huwag kang magtanong!

6. Kung di ka magaling mag-english, tagalugin mo nalang!

SUPLADONG HIRIT:

1. Nahihibang ka na kung kakain ka ng tikoy, tapos aasa kang magiging swerte ang 2012 mo!

2. Kahit gaano pa kayo ka-hardcore, ico-cover pa rin kayo ng Glee!

3. Ingat ka, tanga ka pa naman!

4. Walang pinipili ang katangahan, ke-mayaman ka o mahirap!

Here’s a dose of Pogi Points for February.

1. Huwag mong hayaang ma-bore ang ka-date mo, kailangan meron kayong something in-common na pinag-uusapan... Kagaya ng pagkain, hobbies, & etc.

2. Kung gusto mong ma-promote, mag-agree ka lang kay boss!

3. Kapag sinabing ikaw mag-decide kung saan tayo kakain, ibig sabihin huwag mo akong titipirin.  Dalhin mo ako sa sosyal na restaurant.

4. Kung nagrereply siya kaagad sa text, may pag-asa ka sa kanya!