Stanley Chi

Sawing Manyakis

0

Marami ang nagsasabi na wala yan sa laki ng bird, nasa performance yan. Tulad ng isang lalakeng sawi sa pag-ibig na itago na lang natin sa pangalang Atoy. Si Atoy ay isang manyakis na hiniwalayan ng kanyang jowa, dahil maliit ang kanyang bird at tamad siya sa kama.

Sawing Manyakis

Dahil nabigo siya sa pag-ibig, nagpalaboy-laboy na lang siya.

Sa ngayon, si Atoy ay kasalukuyang tumatambay sa Cubao. Para makipagkaibigan sa mga lalakeng hindi madamot sa pera, kapalit ang kanyang naipong lakas dahil sa kanyang katamaran. Naka-ipon na siya ng pera pambili ng kotse at condo unit, ang hindi pa niya napag-iipunan ay ang pambili niya ng gamot dahil sa nakuha niyang STD. Dahil sa kanyang nakuhang sakit ay madalas na lang siyang nagkukulong sa banyo at mag-isang pinagpapantasyahan ang kanyang mga crush.

Huwag niyo sanang tularan ang manyakis na si Atoy dahil baka kayo ay mangayayat, magkasakit at mawalan ng lakas.

Kaya eto ang mga maipapayo ko, para kung sakaling magka-jowa ka ay hindi niya gagawing dahilan ang sex kung kayo ay maghihiwalay:

1. Matutong gumamit ng condom. Siguro naman ay ayaw mong magkasakit, better safe than sorry.

2. Huwag bitinin ang babae sa kama. Kapag happy siya in bed, hindi ka niya iiwan. Kaya galingan mo at huwag kang tatamad-tamad sa kama, sa trabaho at sa buhay.

3. Matutong magpigil. Hindi porke’t tag-libog ka ay yayayain mo na siyang magbahay-bahayan. Kung ayaw ng babae, huwag mong pilitin.

4. Huwag pumatol kung kani-kanino. Maging loyal ka sa jowa mo, hindi cool ang maging babaero. Lalo na ang lalakero.

5. Hindi lang umiikot ang isang relasyon sa sex. Marami ang pwedeng mapaglibangan, hindi yung puro ka-manyakan lang ang iniisip mong gawin.

Kung wala ka naming jowa, ito ang mga dapat mong gawin para hindi ka laging nagkukulong sa banyo at hindi ka magkaroon ng kalyo sa mga palad mo:

1. Magkaroon ka ng hobby. Kadalasan sa mga laging nagkukulong sa banyo ay yung mga taong walang ginagawa, kaya kung busy kang tao mas magiging productive ka.

2. Huwag panay ang surf sa mga porn sites. Tama na ang pagpunta sa mga websites tulad ng Chicken8 at RedTube.

3. Huwag ka masyadong nag-iisip ng kalaswaan. Bawas-bawasan mo ang pagiging grin-minded.

4. Makipag-kaibigan ka sa mga wholesome na tao. Para maimpluwensiyahan ka nila, iwasan mo na rin yung mga kakilala mong manyakis.

5. Huwag mong titigan ang mga Bora pics ng crush mo. Hindi ka lang magiging stalker, pagpapantasyahan mo pa siya.

Sana ay may natutunan kayo mula sa nasulat kong ito. Huwag kayong basta-bastang makikipaglandian kung kani-kanino kung may jowa ka na… Lalo na kung pangit ka!

Sawing Palamunin

0

Linis, laba, kain, tulog at iba pang gawaing bahay ang trabaho ni Indoy sa kanyang tahanan. Samantalang si Neneng naman ang nagtatrabaho at kumikita ng pera para sa kanyang pamilya.

Oo, si Indoy ay isang house husband.

Sawing Palamunin

Pero wala namang masama sa pagiging isang house husband, uso na ito ngayon lalo na’t mahirap maghanap ng trabaho. Maganda ang set-up nilang mag-asawa. Kaya naman ay noong umpisa, masaya sila sa kanilang pagsasama. Ngunit noong tumataas na ang mga bilihin at renta sa bahay ay unti-unting nanlamya ang kanilang relasyon. Madalas na silang mag-away at nagbibitawan ng masasakit na salita. Dumating pa ito sa panunumbat ni Neneng kay Indoy, dahil siya ang bumubuhay sa buong pamilya habang si Indoy naman ay isang palamunin.

Sobrang nasaktan ang pride ni Indoy, kaya dali-dali nalang itong lumayas sa kanilang tahanan at hindi na siya bumalik. Hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ni Neneng at ng mga awtoridad si Indoy.

Ayokong humantong sa ganito ang relasyon niyong mag-jowa o mag-asawa kaya ito ang mga dapat gawin ng isang lalake para hindi ito masumbatan ng kanyang asawa o jowa:

  1. Maging masipag. Kahit na maliit lang ang kita mo, maghanap ka pa rin ng ibang pagkakakitaan.
  2. Maging matipid at madiskarte sa pera. Mahirap nang masabihang waldas sa pera, ikaw ang lalake kaya ipakita mo na gagawin mo ang lahat mabigyan mo lang ng magandang buhay ang iyong pamilya.
  3. Huwag masyadong umasa sa iba. Lalo na sa iyong asawa o jowa. Hawak mo ang iyong kapalaran. Para sa huli, walang sisihan.
  4. Huwag magbitaw ng masasakit na salita. Maging pasensyoso ka, huwag magmumura at lalong mag-isip muna bago magbitaw ng salita. Baka balang araw ay pagsisihan mo yan.
  5. Maging responsable. Alam mo na siguro ang ibig sabihin nito.

Hindi man magandang pakinggan, pero kadalasan sa mga sumbatan ng mag-asawa ay nag-uugat sa pera at katamaran ng isang lalake. May mga ibang pang dahilan kagaya ng pambababae at pagiging lulong sa bisyo, kaya ang moral lesson ng sawi story na ito ay maging masipag, responsable at good boy. Sana ay huwag niyong maranasan ang nangyari kay Indoy at Neneng, dahil baka pati ang mga awtoridad ay ma-bwisit rin sa inyo.

Small-time Sawi

0

Lahat ng big-time naguumpisa sa small-time.

Pero habang small-time ka, makikita mo ang tunay na kulay ng karamihan. Kung may kailangan ka sa ibang tao, huwag kang umasa na aasikasuhin ka o tutulungan ka kaagad.

Small-time Sawi

Tulad na lang ng kaibigan kong si Amy, small-time lang ang negosyo niya kaya hindi siya masyadong iniintindi ng mga negosyanteng tulad ni Sarah. Nang minsang humingi ng pabor si Amy kay Sarah ay hindi niya ito pinansin dahil busy raw siya. Pero kapag malaking kumpanya, agad-agad itong inaasikaso ni Sarah.

Makalipas ng ilang taon, lumaki ng lumaki ang negosyo ni Amy at ang negosyo naman ni Sarah ay nalugi. Humingi ng tulong si Sarah kay Amy, kitang-kita sa mukha ni Amy na nahihiya siya. Pero kahit na may hinanakit siya sa negosyante, agad-agad na tinulungan ni Amy si Sarah.

Kahit na alam niyang inismol siya nito noong araw.

Sa sobrang hiya, hindi na makatulog ng mahimbing si Sarah. Hanggang sa kanyang pagtanda ay nahihiya siya sa pangmamata na ginawa niya noon kay Amy.

Ayokong magka-insomia ka dahil sa konsensiya at lalong ayaw kong iniismol ka ng iba, pero alam ko ang mga dahilan kung bakit ka iniismol ng isang tao.  

  1. Wala ka kasing pera. In short, mahirap ka kasi. Najojologan siya sayo.
  2. Hindi ka importanteng tao. Wala ka kasing power, hindi ka nila magagamit o mahihingan ng pabor.
  3. Wala siyang kailangan sayo. Wala siyang makukuhang kapalit kung inasikaso ka niya, kung may bayad man ang serbisyo niya… Malamang maliit na halaga lang ang makukuha niya.
  4. Kahit na tapakan ka niya, iniisip niya na hindi ka naman makakaganti. Ito ang ultimate na pangmamata, iniisip niya na hindi ka na aasenso.
  5. Masama lang talaga ang ugali niya. May mga taong pinanganak para maging kupal. Isa na siya doon. Baka hindi maganda ang childhood niya o kaya naman ay naiinggit siya sayo at hinihila ka niya pababa. 

Ngayong alam mo na kung bakit ka iniismol, kailangan ay mas lalo mo pang pag-igihan ang ginagawa mo. Success is the best revenge, basta huwag mo silang masyadong isipin at ituloy mo lang ang ginagawa mo. Good luck at sana balang araw ay makonsensiya rin ang mga nangmamata sayo.

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

0

Ilang araw rin akong kinabahan bago dumating ang December 7, may book signing kasi ako para sa Men are from Qc Women are from Alabang. Akala ko kasi hindi pupunta ang mga readers sa event na ito,  pero salamat sa mga taong nakisaya at dumalo sa event. Na-touch ako. Smile

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

Once a year lang naman ako mag-event ng ganito. Ito rin yung pinaka-thank you ko sa mga readers, fans, Twitter and Instagram followers at ka-FB na walang sawang sumusuporta sa akin. Nagpapasalamat rin ako sa mga taong tumulong at nagawang masaya ang araw na ito para sa akin.

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

To my guests Papa Dan who also hosted the event with me, Joyce Ching, Justin Pinon, Chris Lina and the Street Beauties Ava Ayala, Julia Varga and China Roces.

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

To the venue NBS Shangrila, salamat sa muling pagtanggap sa akin para dito ko gawin ang book signing ko. Nakaka-apat na ako sa inyo at sana next year may schedule ulit ako sa inyo.

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

To the entire Psicom Publishing team. salamat sa patuloy na pagtitiwala sa akin.

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

To my sponsors Royqueen and  Unisilver-Time for the prizes that was given away during the event. Congratulations rin sa lahat ng mga nanalo sa games and raffle.

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

Ito ang napapala ng mga taong gumagaya sa pose ko, nagmumukha silang…

To the Bloggers who attended the event courtesy of Richard Mamuyac and Wazzup Pilipinas.

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

Nagsisisi ka kung bakit hindi mo ito napanood? Ikaw kasi eh, hindi ka nagpunta sa event.

To the volunteer photographers Raymond, Gerard and Christelle. Lahat ng pictures na makikita niyo sa Facebook fanpage, Instagram at sa blogpost na ito ay galing lahat sa kanila.

Men are from QC Women are from Alabang Book Signing

Next year ulit ha! See you soon.

Syempre sa mga fans, readers, kamag-anak at kaibigan na nagpunta para suportahan ako. Sana nag-enjoy kayo at magkita ulit tayo sa mga susunod pang book signing at book launch. 

Apir! Smile

Lahat Tayo ay Nagbabago

1 comments

Habang nagkaka-edad ka, nagbabago ang mga ginagawa mo, Nagbabago ang lugar kung saan ka nagta-trabaho, kung saan ka nakatira at kung sino ang mga kaibigan mo. Tulad na lang ng kaibigan kong si Julie, marami ang nagbago sa kanya. Dati siyang nurse na naging call-center agent. Hindi na rin siya taga Pasig, lumipat na siya ng tirahan sa may bandang QC at hindi na rin niya kaibigan ang dati niyang best friend na si Sally.

Suplado Meme

Bakit biglang nagbago ang samahan ni Julie at ni Sally? Hindi ko rin alam ang buong istorya, ang alam ko lang ay pareho silang nurse. Si Sally ay nurse pa rin hanggang ngayon samantalang si Julie ay naging big-time na call-center agent. Hindi na sila close ngayon at naiilang sa isa’t-isa, ang kuwento na kumakalat ay naging insecure raw si Sally kay Julie at sinisiraan siya kung kani-kanino. Si Julie naman at matagal nang naka-move on at hindi na pinapatulan si Sally, pero sobra siyang nasaktan sa nangyari sa kanila ni Julie.

Ayokong mangyari sa inyo ang nangyari sa dalawang ito, kaya ito ang mga dapat niyong gawin para maiwasan ang tampuhang magkaibigan:

  1. Huwag masyadong makialam sa lovelife ng kaibigan, lalo na kung hindi ka hinihingan ng advice. Sensitive ang mga taong in-love, hinay-hinay sa paglait sa syota ng kaibigan dahil siguradong makakarating yan sa taong nilalait mo. Nagtatanim ng galit ang mga yan.
  2. Huwag maging negatibo tuwing magkikita kayo. Ang mga taong negatibo ay nilalayuan ng kahit sino, dapat good vibes lagi. Kung may problema ka, piliin mo kung sino ang pagsasabihan mo.
  3. Huwag masyadong magpalibre. Kung panay ang palibre mo, iisipin niya na hindi kaibigan ang turing mo sa kanya. Iisipin niya na ginagamit mo lang siya.
  4. Huwag mong landiin at huwag ka ring magpapalandi sa syota ng kaibigan mo. Mahuli ka man o hindi, siguradong magsisisi ka. Ang kay Petra ay kay Petra. Ang kay Pedro ay kay Pedro, unless magka-crush ang syota ni Pedro kay Petra.
  5. Huwag mong i-kwento ang lahat sa kaibigan mo. Magtira ka para sa sarili mo, your best friend is your worst enemy pag nag-away kayo. Lalo na pagdating sa pera, nagbabago ang ugali ng isang tao dahil diyan.

Kung nagkatampuhan naman kayo ng kaibigan mo, alamin mo muna kung saan ito nagsimula. Kung may pagkakamali ka, huwag mong hayaang masira ang pagkakaibigan niyo. Matutong magpakumbaba at makipagbati, wala pa akong nakikitang tao na namamatay sa pagkain ng pride.

Ayoko ng magulong buhay!

Kung ikaw naman ay gustong makipag-ayos sa dati mong kaibigan kahit na siya ang may mali. huwag kang umasa na babalik pa ang dati niyong samahan. Maghanap ka ng ibang kaibigan at ibaon na sa limot ang mga hindi magandang ala-ala, sayang lang ang oras mo sa pag-emote.

Ang dapat mong gawin ay mag-enjoy sa buhay, be happy at laging basahin ang mga sinusulat ko sa website na ito.   

Binggit: Bitter na Inggit

0

May kakilala ka bang tao na kinaibigan mo, naging mabait ka sa kanya, kilala niya ang pamilya at mga kaibigan mo pero ang totoo ay naiingit pala siya sayo?

Masakit malaman na ang tinuturing mong kaibigan ay sinisiraan ka sa ibang tao o kaya naman ay minamaliit ka.

Ganyang ganyan ang nangyari kay Gagay na isang mananahi, kinaibigan niya si Esther na isa ring mananahi. Akala ni Gagay ay isang mabait na tao si Esther, ang hindi niya alam ay sinisiraan siya ni Esther sa mga taong nakakakilala rin sa kanya. Pero ika nga nila, ang mga pader ay may tenga at nalaman ni Gagay ang lahat dahil nakarating sa kanya ang balita.

meme 11

Si Esther ay Binggit. Bitter na inggit sa mga nakakamit ni Gagay. Nang kausapin ni Gagay si Esther tungkol dito ay todo deny at palusot pa siya, pero sa huli ay umamin rin ito. Nasaktan si Gagay, at mula nun ay hindi na nanumbalik ang dati nilang samahan. Kung dati ay magkasabay silang kumain at mamasyal, ngayon ay nagkakanya-kanya na lang sila at halatang nagpaplastikan.

Ayokong makatagpo kayo ng isang taong kagaya ni Esther, kaya ito ang mga dapat mong gawin para maka-iwas kayo sa mga taong binggit.

1. Kilalanin mabuti ang ugali ng taong kakaibiganin. Lahat tayo ay may kanya-kanyang ugali at hindi natin pinapakita ang mga masamang ugali natin sa mga taong kakikilala pa lang. Kaya maging observant at maging alisto para sila ay mas mabilis mong mabisto.

2. Huwag mong ilalahad ang buong buhay mo sa mga taong hindi mo ka-close. Alam kong honesty is the best policy, pero kung sinabi mo na sa lahat ng tao ang kwento ng buhay mo… Ano pa ang ititira mo para sa sarili mo at para sa tv show na Maalaala mo kaya?

3. Piliin mong mabuti ang mga taong kakaibiganin mo. Kung ano ang mga kaibigan mo ay ganun ka rin. Kung babarkada ka sa mga gago, i-expect mo nang gago rin ang tingin sayo ng ibang tao. Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are di ba?

4. Siguraduhin mong magkaiba ang ginagawa mo sa ginagawa ng taong kakaibiganin mo. Kung pareho ang trabaho niyo, hindi maiiwasan na magkaka-inggitan kayo. Lalo na kung ang isa sa inyo ay umangat at yung isa naman ay wala pa ring nararating.

5. Huwag mag-share at magkwento kung may magandang nangyari sa buhay mo. Magpa-humble ka rin paminsan-minsan. Nagsisimula ang inggitan kung madalas kang mag-share ng pictures at status mo sa Facebook kagaya nang ganitong post “Lord, salamat at may bago akong kotse.” Kung gusto mong magpasalamat sa Diyos, magdasal ka at magsimba. Hindi yung ipopost mo status dahil pagyayabang ang tawag doon.

Prevention is the best cure sa mga taong binggit, pero kung ikaw naman ay natulad kay Gagay na na-peke ng kanyang kaibigan. Move on at ituloy mo lang ang ginagawa mo, dahil walang gamot para sa mga taong binggit kagaya ni Esther!

Bakit ngayon lang ako nag-update ng website

0

Ngayon lang ulit ako nagsulat para sa website ko, pasensiya sa mga naiinip at nag-aabang ng mga bago kong posts.  Mga 2 months din yun at medyo may katagalan, kaya hayaan niyo akong bumawi at mag-explain kung bakit ngayon lang ako nag-update ng website na ito.

www.stanleychi.net

1. Ang dami kong deadlines. May comic strip ako araw-araw sa Manila Bulletin na Copy-Paste at Chopsticks, may column rin ako sa www.fhm.com.ph every 2 weeks kaya medyo naging busy rin ako.

Copy-Paste

Chopsticks

Para sa mga hindi pa nakakabisita sa column ko, eto nga pala yung link:

FHM: ONE NIGHT STAN

2. May bago akong libro. Malapit na ang Manila International Book Fair, isa sa mga pinagkaka-abalahan ko ay ang magsulat ng libro para sa inyo. Syempre, hindi ganun kadali ang magsulat ng 180 pages na libro. Pero dahil nga bumabawi ako, eto ang book cover, sana magustuhan niyo at suportahan niyo ang pinakabago kong obra.

Book Cover

May book signing kami ni Tado, Ramon, Lourd, Papa Dan at Jinri sa Sept. 14. Sat 3PM, SMX Mall of Asia.

1234094_10151622763746616_1889366006_n

3. Nagsusulat rin ako para sa 8list.ph. Rumaraket rin ako para sa ibang website, i-check niyo yung latest na sinulat ko para sa kanila. eto yung link sa 8list article ko.

Stanley’s 8 List

4. Gumagawa ako ng bagong Youtube video. Dahil mahal ko kayo, gumawa ako ng bagong video para sa mga biktima ng pag-ibig. Eto ang link ng 1st episode ng Suplado Tips Presents.

Kung tamad kang magbasa, manood ka na lang. Suplado Tips Presents: Bakit ka binasted?

5. May mga bago akong sponsors at magpapacontest ako online. Abang lang at pwede kayong manalo ng isang gadget mula sa akin at sa Royqueen Philippines, kaya i-follow niyo na ako sa Twitter, Instagram. Google Plus at Facebook. Ugaliin niyo rin ang pagbasa sa mga sinusulat ko sa website ko.

O ayan, nag-update na ako a. Kita tayo sa book signing next week at salamat sa pagsuporta niyo sakin.

Promise magsusulat na ako ulit sa website ko at least once a month. Till next post mga suplado!

Lahat tayo Mukhang Pera!

1 comments

Totoo ang nakalagay sa title, lahat ng tao sa mundo ay mukhang pera. Pa-iba-iba nga lang tayo ng style, but the bottomline is we need money. Kung pwede lang nga eh, now na! 

Lahat tayo Mukhang Pera!

Kalokohan yung sinasabi ng ibang tao na hindi importante ang pera sa kanila, syempre sinasabi niya lang yun para hindi sila magmukhang pera. Saan sila kukuha ng pambayad sa Meralco, Pldt, Globe, Smart, cable, tubig at pagkain?

Pero bakit nga ba tayo nangangailangan ng pera?

Maliban sa mga nasabi ko kanina, syempre for survival. Paano na kung nagkasakit ka? Saan ka titira kung wala kang sariling bahay? Paano ka mag-iinternet? Paano ka gigimik at kung anu-ano pa? Iba-iba nga lang tayo ng paraan kung paano kitain yung perang kailangan natin, iba-iba rin tayo ng ugali kung paano natin madidiskartehan ang pagkuha ng mga opportunidad para dito. Trabaho man yan, negosyo, raket, sideline o panggagancho.

Hindi tayo pwedeng makitira sa ating mga magulang, kamag-anak at kaibigan ng libre. Lahat ng bagay ay may kapalit kaya kailangan natin magbanat ng buto.

Pero paano mo nga ba malalaman kung mukhang pera ang isang tao?

  1. Kapag never siyang nanlibre at palagi siyang nagpapalibre. Kapag nagkikita kayo, ikaw palagi ang taya. Huwag ka maniwala na wala siyang pera, ayaw niya lang talagang gumastos dahil nakadikit ang pera niya sa wallet. Lumang style na rin nila yung nagpaparinig o nagpapa-awa effect na wala silang pera.
  2. Palagi siyang nangungutang at hindi nagbabayad.  Mahirap ka man o hindi, kung may utang ka… Bayaran mo. Hindi yung kapag siningil ka, ikaw pa yung galit!
  3. Hindi siya gumagastos para sa ibang tao.  Masyado niyang mahal ang kanyang sarili lalo na ang kanyang pera para gastusan ang kaibigan, kapatid, kamag-anak o magulang niya.
  4. Kung alam niyang mayaman ka, didikit siya sayo at kakaibiganin ka niya ng todo-todo. Social climber na matapobre ang mga mukhang pera, kung alam niyang may mapapala siya sayo magiging best friend mo siya.
  5. Pag dating sa pera, malabo siyang kausap.  Ito ang classic example na nagbabago ang ugali ng isang tao pag dating sa pera. Magugulat ka na lang, pero ang mga taong hindi mo inaakalang mukhang pera sila pa yung ganun.

Ito ay ilan lamang sa mga napansin ko at sana ay gamitin niyo na ring gabay para sa inyong araw-araw na pakikisalamuha sa mga kakilala, ka-opisina, kamag-anak, kaklase o crush.

Hindi masama ang kumita ng maraming pera at yumaman, pero kung mukha kang pera huwag ka namang obvious.

Paki like at share niyo na lang ito sa mga Facebook, Twitter o Instagram account niyo. Kung naka-tulong man ang blogpost ko na ito sa inyo, ilibre niyo naman ako kapag nagkita tayo. Paki basa rin ang column ko sa fhm.com.ph na pinamagatang One Night Stan.

Parts of a Barkada

0

Sa isang barkada, may lider at may alalay. May mga kabarkada ka na binarkada mo lang, dahil may kailangan ka sa kanila o kaya naman ay medyo iniisip mo na magagamit mo siya in the future. Sino-sino ang mga ito at sino ka dito?

Tipper Cee

  1. Leader. Ikaw ang nasusunod palagi sa isang barkada. Ikaw ang taga-decide kung saan kakain o gigimik. Ang leader din ang pinaka-maingay sa grupo.
  2. 2nd-in-Command. Kapag wala ang leader, ikaw ang in charge. Best friend mo ang leader ng grupo at hindi ka basta-basta nagde-desisyon kung wala siya.
  3. Follower. Sumusunod ka lang sa utos ng Leader, tinatago mo ang opinyon mo dahil ayaw mong mapag-initan. You just go with the flow.
  4. Newbie. Ang bagong pasok sa grupo, malamang ay nakapasok ka dahil na-impress ang barkada sayo. Kadalasan ay may kailangan sila sayo at naisip nila na mapapakinabangan ka ng grupo, pero kadalasan yung leader ang makikinabang sayo.
  5. Alalay. Ikaw yung madalas pag-tripan ng barkada, ayaw nila sayo, hindi mo lang nagegets. Pero dahil pinipilit mo ang sarili mo sa kanila, sinama ka nalang. Ikaw yung hindi tinetext o niyayaya kapag may lakad, malalaman mo nalang na nagkita sila kapag nakita mo sa Facebook.

Rhio Vincent Tan

Kung alam mo na kung sino ka sa barkada, siguro naman alam mo na may kaibigan rin ang barkada mo. Sino-sino ang mga ito?

  1. Friend of the barkada. Kinakaibigan ng grupo dahil sikat, mayaman, pogi/maganda o mabait. Maaasahan ka nila at gustong isama sa grupo kaso may kabarkada ka ng iba.
  2. Ka-plastikan ng barkada. Nabubwisit sila sayo at sa barkada mo, hindi ka nila inaaway dahil baka magamit ka nila.
  3. Favor of the month. Hinihingan ka nila ng pabor, ikaw naman bigay ka lang ng bigay. Ginagamit ka lang nila pero dahil uto-uto ka, hindi mo alam.
  4. Syota ng kabarkada ko. Literal na syota ka ng isa sa grupo, hindi ka kinakaibigan pero pinakikisamahan ka dahil syota ka ng isang kabarkada. Ikaw ang madalas na pinag-aawayan lalo na kung may sulutang nagaganap.
  5. Kinaiinggitan ng barkada. Kaya ka nila kinakausap ay dahil naiintriga sila sayo, gusto nilang malaman ang lahat ng ginagawa mo at pinagkaka-abalahan. Ikaw yung madalas na pinag-uusapan dahil sobrang naiinsecure sila sayo.

Ngayong alam mo na kung ano ang parts of a barkada, sana ay mag-ingat kayo sa barkadang sasamahan ninyo. Walang perpektong barkada at lalong walang perpektong kaibigan. Huwag kayong masyadong aasa sa kanila at kung iwanan ka nila sa ere, huwag ka na ring magugulat. Isipin mo nalang na “Ano ba ang pakinabang nila sayo?”

Babae vs. Lalake

2

Marami ang pinagkaiba ng mga lalake sa mga babae. Ang mga babae emotional, ang lalake practical. Ang mga babae madaldal, ang mga lalake tahimik lang. Ang mga babae mahilig mag-shopping, ang lalake patingin-tingin sa mga chicks habang nagsha-shopping. Pero teka nga muna, bakit madalas na hindi magkaintindihan ang mga lalake saka babae? Ito ba ay dahil sa ang mga lalake ay sugod lang ng sugod, samantalang ang mga babae ay mas nag-iisip muna bago gumawa ng anumang aksyon?

Babae vs. Lalake

Ito ang ilan lamang sa mga napansin ko na pinagka-iba ng mga lalake sa babae:

  1. Ang mga babae, nireregla. Ang mga lalake, tinotopak!
  2. Ang mga babae, mabagal kumilos. Ang mga lalake, sugod ng sugod!
  3. Ang mga babae, madrama. Ang mga lalake, naghahanap ng pwedeng dramahan!
  4. Kapag ang babae may problema, dinadaan sa iyak. Ang mga lalake dinadaan sa inom!
  5. Kapag ang babae kinikilig, may crush siya sa isang lalake. Kapag ang lalake kinikilig, gusto niyang manlalake!

Siguro kailangang tanggapin ng mga babae ang ugali ng mga lalake and vice versa. Pwede ring magbigayan nalang ang dalawang magkarelasyon para mas tumagal sila sa kanilang pagsasama. Pero mas effective kung magpapakatotoo nalang din sila sa isa’t isa, para walang sisihan di ba? Ano sa tingin niyo?

Kung may mga alam pa kayo kung ano ang pinagkaiba ng lalake sa babae, magcomment lang kayo sa blogpost na ito. Paki like at share ito sa Fb at Twitter ha!

Jellycious Jelly

0

Marami akong nakikita na mag-jowang nag-aaway dahil sa selos. Bakit nga ba may mga taong seloso o selosa? Nakakasakal kung sobra ang pagiging seloso ng isang lalake, nakaka-walang gana naman kung selosa ang babae.

Nico Branzuela

Pero bakit nga ba nagseselos ang isang tao?

1. Insecurity. Alam niyang may problema siya sa sarili niya.

2. Mahal ka niya at ayaw ka niyang mawala sa kanya. Ang haba naman ng hair mo!

3. Natatakot siyang masulot ka ng iba. Uy, good catch ka pala. Dapat ma-flatter ka!

4. Kulang siya sa pansin. Mas iniintindi mo kasi yung ibang ginagawa mo kesa sa kanya!

5. Malandi ka kasi. Kunwari ka pa na hindi mo alam ang ibig sabihin nito!

Kung selosa ang girlfriend mo, ito siguro ang mga dahilan:

1. Mataba siya. Oo nga naman, tama na kasi ang extra rice!

2. Pangit siya. May confidence issues yan, purihin mo kasi.

3. Wala kang time para sa kanya. Mas madalas mo kasing kasama ang barkada mo.

4. Nilalandi mo yung maganda mong officemate. Obvious ka kasi!

5. Ka-chat mo yung ex mo. Kung ganun, malandi ka nga!

Kung seloso ang boyfriend mo, ito siguro ang mga dahilan:

1. Pangit siya. Mukhang inuuto mo lang kasi siya, iparamdam mo rin kasi na mahal mo siya!

2. Ang pogi kasi ng mga nakapaligid sayo. Kasi naman, gusto mong binobola ka ng mga pogi.

3. Palagi mong kasama ang boss mo. Baka naman bigla kang napromote at lumaki ang sweldo mo!

4. Ka-chat mo yung ex mo. Malandi ka rin kasi eh!

5. Maliit ang butotoy niya. Yan ang katangian ng isang selosong lalake!

Tandaan niyo na ang sobrang pagmamahal ay nakakasakal. Huwag kayong maging seloso o selosa para maging happy ang relasyon niyo sa isa’t isa. Sana rin ay maging gabay ito para sa mga taong namumroblema sa mga jowa nila.

I-like at share niyo ito sa Fb at Twitter, paki puntahan niyo rin ang bago kong column sa FHM website na One Night Stan. Kung hindi, magseselos na rin ako!

User-Friendly o Friendly User

1 comments

May kasabihan na, “If you don’t have enemies, you don’t have friends” – yan ay isang malaking katotohanan. Marami sa atin ang maraming kaibigan, pero sa totoo lang hindi natin alam kung ano talaga ang pakay nila sa atin. 

Benson Pode

Paano mo nga ba malalaman kung ginagamit ka lang ng isang tao?

Pero una sa lahat, eto ang mga dapat mong gawin para malaman mo kung sino ang mga malalapit sayo.

1. I-check mo ang cellphone mo, kung sino ang dalawang madalas mong ka-text.

2. I-check mo ang Facebook mo, kung sino ang dalawang madalas mag-comment sa mga pictures mo.

3. I-check mo ang Twitter mo, kung sino sa dalawang nagfa-follow sayo ang madalas mag-tweet sayo.

4. I-check mo ang Instagram mo, kung sino ang dalawang madalas mag-like ng pictures mo.

5. I-check mo ang YM mo, kung sino ang dalawang madalas makipag-chat sayo.

O ayan, may sampung friends kang pagpipilian. Ilista mo ang mga pangalan nila sa papel at tanungin mo ang sarili mo.

1. May kailangan ba siya sa akin? Kung meron, ano ito?

2. Ano ba ang mapapala niya kung close kami?

3. Nililigawan ba niya ako? Abangers ba siya?

4. May napapala ba ako sa taong ito?

5. Kung sakaling utangan ko siya, pauutangin ba niya ako o ia-unfriend niya ako sa Facebook?

Kung sa isip mo ay nakapasa siya sa mga tanong na ito, totoo nga siyang kaibigan. Pero kung hindi, sigurado akong ginagamit ka lang niya. Pero bakit nga ba may mga ganitong tao? Eto ang ilan lamang sa mga dahilan na naisip ko.

1. Cool ka. Bragging rights para sa isang tao ang masabi niya na close kayo at friend ka niya, puro siya kwento sa mga kakilala niya kung ano ang madalas niyong ginagawa. Iniisip niya na kung dumikit siya sa isang cool na tao, magiging cool na rin siya.

2. May kailangan siya sayo. Kung anak ka ng boss, obvious na nagpapalakas siya at gusto niyang mapromote. Ano nga ba ang mapapala niya kung dumikit siya sa isang taong hindi malakas sa itaas?

3. Mayaman ka kasi. Pustahan tayo, balang araw uutangan ka niya.

4. Type ka niya pero torpe siya. Kung alam mong maganda ka o pogi, huwag ka nang mag-deny, alam kong alam mo na pinagnanasahan ka niya kapag mag-isa lang siya sa banyo.

5. Napapakinabangan ka kasi. Pera pera lang yan, kung ikaw ang nabibigay ng kabuhayan sa mga tao siguradong maraming lalapit sayo.

Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit may mga nanggagamit sa isang tao. Mahirap maghanap ng totoong kaibigan, pero mas mahirap ang maghanap ng taong mauutangan. Tandaan niyo lang na kung walang magpapagamit, walang manggagamit. 

Paki share at like nalang ang post na ito sa Fb at Twitter. Sayang din naman kung mag-isa ka lang na natatawa habang binabasa mo ang sinulat ko, i-share mo naman para may pakinabang rin ako sayo.

Buy 2, Get 1 Free: Extra Sale at the Suplado Shop!

0

Since this year promises to be “extra” suplado, we have an “extra” treat for you! If your wallet is not in the mood for shopping before summer break, this suplado pre-summer sale will put you in the mood. Check out the “extra” sale at the Suplado Shop! Buy 2 t-shirts and get 1 t-shirt absolutely free!

Buy 2, Take 1: Suplado Shop Extra Sale 

This promo starts today and will end on March 20, 2013. This sale is applicable only for t-shirt sizes with “extra” in them: XS, XL, and XXL. Perfect for kuripot girls and boys who are “extra” kuripot! The promo is applicable only for purchases that will be paid for via bank deposit, whether you want your items shipped or if you want to pick them up at either Lucky Chinatown Mall (Binondo) or Holly’s Coffee (near DLSU at Taft Avenue). Oo, kailangan niyo muna magbayad kung gusto niyo ng free t-shirt, mapa-shipping man o pickup!

For shipping: Shipping fees apply if you want to have your items shipped (from PhP100 to PhP200, within the Philippines).

For pickups: No extra charges.

 

Buy 2, Take 1 Order Form

To avail of the “BUY 2, TAKE 1” promo at the Suplado Shop,

visit our Facebook page.

Just click on the “promos” tab
to fill out the unique order form.

Buy two t-shirts and get one t-shirt for free! This Suplado Shop promo ends in two weeks, so get these t-shirts while they’re hot. And if you don’t, it’s your loss. Stupid questions will not be entertained. Che!

Bakit Torpe ang Isang Lalake?

4

Marami ang lalakeng natotorpe kapag nakikita si crush. Pero teka muna, bakit nga ba may mga lalakeng torpe?  Ayon sa aking pagsasaliksik, ang dahilan kung bakit torpe ang isang lalake ay dahil sa malaking insecurity niya sa kanya sarili.  Ano ba ang mga kina-iinsecuran ng isang lalake?

Bakit Torpe ang Isang Lalake?

1. Pera. Oo importante ang pera sa panliligaw, syempre lalake ang dapat magbayad sa date. Parang negosyo yan, kailangan mong mamuhunan. Kung dukha ka, papasok sa isip mo ang dramang “Langit ka, lupa ako!”.

2. Kotse. Mahalaga ang kotse dahil isa itong status symbol, may koneksyon ito sa pera.  Kung mayaman ka, maganda ang kotse mo! Yung tipong pang binata. Kung pangit ang kotse mo, baka isipin ng babae na taxi driver ka!

3. Itsura. Aminin na natin, lahat tayo tumitingin sa panlabas na itsura ng tao.  Kung pangit ka, malaking problema yan! Pwede mong idaan sa yaman ang diskarte mo sa babae, kaso mayaman ka nga… Mukha ka namang mahirap!

4. Pagkatao. Kung pa-English English ang nililigawan mo, lalaitin niya ang pagkatao mo. Lalo na kung jologs ka! Subukan mong mag-aral at magbasa ng libro, gamitan mo siya ng mga malalalim na salita para hindi niya maiintindihan. May kinalaman din ito kung paano ka kumilos at mag-isip, kaya medyo matagal na pag-aaral ang gagawin mo.

5. Butotoy.  Sabi nila, wala raw yan sa laki… Nasa performance yan.  Kaso may aamin ba na maliit ang butotoy nila? Syempre wala!  Mararamdaman mo na lang na maliit ang butotoy niya, kung…

A. Kupal siya. Galit siya sa mundo, alam niyo na kung bakit.

B. Babaero siya. Pampalubag loob ito. Maliit nga ang armas, marami namang na ano!

C. Mahilig siya sa kotse. Sabi nila kung marami kang kotse, guma-guwapo ka!  Di bale na kung maliit ang ano mo!

D. Naiiyak siya kapag nakakakita siya ng footlong. Pero, pwede ring bading siya!

Sana ay may natutunan kayo sa mga sinulat ko.  Huwag kayong matorpe kapag manliligaw kayo, mas mabuti nang sinubukan niyong ligawan ang crush mo kesa naman buong buhay mong iisipin ang “What if niligawan ko siya?”.

Valentine’s Promo

1 comments

Suplado shirts Valentine’s promo,

dahil lahat tayo ay Biktima ng Pag-Ibig!

Valentine’s Promo

Buy 2 Biktima ng Pag-Ibig shirts for only PhP550.

Shipping fees will still apply.  T-shirt lang ang may discount!

Pero kung nag-order ka ng t-shirts na worth PhP1,400, libre na ang shipping fee.

Basta sa Pilipinas lang, kung nasa abroad ka… May bayad yun!

Promo is from Feb. 1, 2013 to Feb. 14, 2013 only!

Baka dahil sa t-shirt na ito, sagutin ka na ng nililigawan mo!